PINOY LINGO: More than just a platform of expression

TAGALOG BLOGS? VLOGS in Taglish? Why not? Kung ito ang paraan para mai-express natin yung ating thoughts and messages na hindi tayo nagiging tunog makata (using pure Tagalog language), bakit hindi? Kaya “PINOY LINGO” ang tawag natin sa segment na ito ay dahil bukod sa nirerelease natin ang formats na ito every Sunday, it will also be a platform kung saan mas malaya at mas creative naming mapepresent yung mga feature topics (mostly in video forms o minsan Taglish/Tagalog creative writing).

Related link: https://bestlifeqatar.com/2019/05/05/pinoy-lingo-a-new-segment-of-bestlifeqatar-for-kabayan-followers/

Sa mga nakaraang mga vlogs, madami na tayong naexplore na formats gaya ng mga sumusunod:

HAUL VIDEO

Isa sa mga popular na vlog format kung saan ipinapakita ang mga iba’t-ibang napamili para magbigay ng idea at ma-inspire ang mga manonood na subukan at mamili ng mga produktong naka-feature. Dito, nagkakaroon ang mga viewers ng idea kung magkano at kung anu ang impression ng blogger tungkol sa mga products.

 

EATSCAPADES

Sa BLOG format ng Best Life Qatar (https://bestlifeqatar.com) isa ito sa pinaka inaabangan ng marami – mga bagong restaurants at coffee shops na maaring puntahan ng mga kabayan natin dito sa Qatar.

Sa VLOG na ito na mapapanood sa ating Youtube Channel (https://www.youtube.com/bestlifeqatar), pinakita namin ang halos araw-araw na hotel invitations na natanggap noong Ramadan season. Dito rin natin sinubukan ang DAILY VLOG format na ginagawa ng maraming popular vloggers lalo na sa Pilipinas. Nakakapagod pero nakakaexcite ipakita ang araw araw na kaganapan lalo na noong panahon ng Ramadan.

 

BEAUTIFUL PLACES IN QATAR

Bukod sa mga kainan, marami ring mga magagandang resorts at iba’t-ibang destinations dito sa Qatar na noon pa man ay hangad na naming maipakita sa aming mga viewers at blog readers/subscribers. Hopefully, mas marami pa tayong mai-feature na mga exciting at mga bagong lugar very soon.

 

STAYCATION

Kainan, pasyalan at staycation – ito ang tatlo sa mga bisyo at tanging pinagkakaabalahan ng ating mga kabayan dito sa Qatar. At sa dami ng mga magagandang hotels dito sa Doha, blessed tayo na mainvite sa ilan sa mga ito. At sa pamamagitan ng VLOG, mas maipapakita natin ang mga exciting na features ng bawat isa na pwedeng maging reference sa pagpili ng inyong susunod na staycation destination.

Exciting ang sumunod na vlog na ito dahil dito natin unang sinubukan ang VOICE OVER format na nagbigay ng kakaibang flair sa story telling aspect ng video.

Isa pa mga pioneering effort natin sa VLOG and pag-introduce ng mga ibat-ibang staycation ideas na pwedeng gawin ng ating mga viewers. Isa na dito ang AIRBNB na usually ay available sa mga freehold areas gaya ng The Pearl. Isa pa, sa sumunod na VLOG, ay naglagay din tayo ng SUBTITLE (English translation), bilang tugon sa request ng ilang mga non-Filipino viewers/followers natin.

 

SPECIAL FEATURE

Dahil sa promising future ng Qatar, hindi na nakakapagtaka ang pagbubukas ng maraming establishments at mga infrastructure facilities all over the city. Kaya naman expected na namin ang maraming mga feature vlogs na magpapakita ng patuloy na pagganda ng Doha. 

Isa sa naisip naming creative na paraan ng feature presentation ay sa pamamagitan ng MTV (or music video). Ito ay mas creative na story telling format kung saan, bukod sa normal na pagpepresent ng isang bagay (gaya ng Doha Metro at Metro Link system), naging opportunity rin ito para ipakita ang iba pa nating concept na inspired ng mga korean dramas, short films, at mga MTVs. Naisip namin na sa dami ng lumabas na mga vlogs noong nagbukas ang Doha Metro, maaring maging boring na rin kung maglalabas rin tayo halos katulad na videos.

 

PINOY LINGO: A Test of Creativity

In a highly saturated vlogging environment, one must break out of the norm not only to stand out but also to ensure that our contents resonate with our viewers. In the mindset of “social media popularity”, we are trying to stick to the very purpose of why we do things: to inform, to inspire, and to entertain.

Bukod sa mga vlogs, ang PINOY LINGO segment ay magpe-feature din ng mga saloobin, mensahe, creative writings in Tagalog, o kahit anupamang contents na tiyak naming magugustuhan ninyo. Kaya please subscribe to our YOUTUBE CHANNEL para updated kayo sa mga susunod pa namin video uploads.

(subscription link: https://www.youtube.com/channel/UC9Be98-8yQ8JyDMMIi5M56w?sub_confirmation=1)

Huwag ding kalimutan ang lingguhang release dito sa ating BLOG SITE (especially every Thursday) para sa mga tips at iba’t-iba pang bagong kaganapan around the city.

Salamat sa inyong suporta at patuloy na pagmamahal!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s