PINOY Lingo

Most Popular Filipino-owned Businesses Sa Qatar, kinilala!

Sa ikatlong taon ng BEST LIFE QATAR Readers Choice na inoorganisa ng isang kilalang blogger sa Qatar, ay pinarangalan ang mga pinaka-popular na mga Filipino-owned establishments sa bansa sa pamamagitan ng isang virtual announcement of winners.

Sa paglalayong mabigyan ng pagpupugay at pagpapahalaga ang mga Doha-based Filipino entrepreneurs, nilunsad ng BEST LIFE QATAR ang taunang online survey. At sa taong 2022, labing-isang categories ang ipinakilala mula sa lima noong mga nakaraang dalawang seasons. At sa loob lamang ng limang araw ay nakalikom ito ng mahigit 1,600 online votes at libo-libong combined likes sa kanilang social media accounts.

Ito ang kumpletong listahan ng mga nanguna sa nasabing online poll:

WM SKIN CARE TREATMENTS  – Most Popular Newcomer (Non-Food Category)

THE EMPANADA HOUSE DOHA – Most Popular Newcomer (Food Category)

BEAUTY LIFE LADIES SALON – Most Popular Filipino Beauty Salon

FILIPINO INSTITUTE QATAR – Most Popular Filipino Training Center

CONOR INTL EXPRESS CARGO & SERVICES QATAR – Most Popular Filipino Cargo & Freight Company

ARBEL PASTRY – Most Popular Filipino Pastries & Bakeshop

KABAYAN BREWERS – Most Popular Filipino Specialty Coffee Shop

FILIPINO HOTPACK – Most Popular Homegrown Filipino Restaurant (Diner Category)

FLAMINGO – Most Popular Homegrown Filipino Restaurant (Restaurant Category)

QABAYAN RADIO 94.3 – Most Popular Homegrown Filipino Company (Non-Food Category)

JOLLIBEE QATAR – Most Popular Filipino Company (International Operations/Franchise)

Layon din ng naturang online survey na lalo pang mahikayat ang mga home businesses at iba pang mga OFWs sa Qatar na pasukin ang  pagnenegosyo, kasabay na rin ang paghihikayat sa mga kabayan sa Qatar na tangkilin ang mga negosyong Pilipino.

Lubos ang pasasalamat ng blogger na si Mr ZEKE TUNAY sa patuloy na suporta ng mga mambabasa at tagasubaybay ng BEST LIFE QATAR, maging sa kooperasyon at inspirasyon mula sa mga brands na kabilang sa survey ngayong taon. Isang video ang nilabas ng BEST LIFE QATAR sa kanila Youtube Channel bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga nagsipagwagi. Featured din dito ang ilan sa mga popular  Filipino content creators sa Qatar na tumulong sa paghahayag ng mga nanalo:

MR IGI GARCIA | @igigrcia on Instagram

MS MELANIE JOANA AZCUETA SAUPAN-LAUD | @pickbykm on Instagram

MR EDEL RAYMUNDO CABILDO | @edelcabildo on Instagram

MR JANN EARL CAHILIG PEREIRA | @JannEarlTV on Instagram

MR ARDEE T. DE LEON | @papa_ardz on Instagram

and to MR MARS MAJARUCON for the voice over

CLICK THE PHOTO to view YOUTUBE VIDEO

ANO ANG PINOY LING’O?

Ito ay mga tampok na balita, mga articles o kahit anong mga special features na exclusive para PINOY COMMUNITY in Qatar. Maari rin itong mga short essays na sinulat ng mga mambabasa at tagasubaybay ng BEST LIFE QATAR para ipublish sa ating website. Ito ay ilalabas natin kada-LINGO in Tagalog or Taglish language (lingo). Kung may mga nais kayong ipa-feature sa amin na mga pasok sa ganitong category, mangyaring mag-email sa bestlifeqatar@gmail.com na may subject na PINOY LINGO – FEATURE ARTICLE.

Leave a Reply

%d