PINOY Lingo

THE TURKNOYS at FCPL-Qatar nag-organisa ng isang Chess Tournament sa Doha

Meet the Turknoys! TURK-ish  Daddy + Pi-NOY Mommy = Three TURK-NOYS: a bi-cultural expat family in Qatar. Mayroon silang FAMILY BLOG na TURKNOY TRAVELS 100 na ang layon ay makabisita sa 100 na bansa sa loob ng 10 taon! Ito’y ayon sa kanilang misyon na palakihin ang kanilang mga anak bilang mga global citizens at ang blog nila ang nais nilang gamiting upang mai-dokumento ng kanilang bawat adventures. Mababasa nag kanilang kwento at ang mensahe ng TURKNOY TRAVELS 100 sa kanilang blog (click this link for more).

Ilang taon ko na ring sinusundan ang kanilang blog at social media postings kaya alam ko rin na ang kanilang pangalawang anak na si KIREM ay sadyang nahihilig sa larong chess. Kamakailan lang ay nagtapos ito sa unang posisyon sa Under-13 Boys Category sa Online Rapid Chess Tournament na inorganisa ng INCAS QATAR kasabay ng pagdaraos ng Qatar National Sports Day noong ika-8 ng Pebrero 2022. Lumahok din ito sa nakaraang Amateur Open Championship “Paracin 2022” – Winter Chess Festival 2022 sa Serbia noong Enero ng kasalukuyang taon.

At upang masuportahan ang hilig ng kanilang anak, at para lalo pang masuportahan ang mga manlalarong Pinoy sa larangan ng chess, inorganisa ng mag-asawang Demirkol (The Turknoys) sa pakikipagtulungan ng Filipino Chess Player League (FCPL) – Qatar ang isang OTB Blitz tournament noong ika-25 ng Pebrero, 2022.

Ang OTB (over the board) ay face-to-face na paglalaro gamit ang totoong chess pieces laban sa mga katunggaling manlalaro. Ang Blitz chess naman (more commonly known as speed chess) ay ang paglalaro ng chess na may fast time control kung saan ang mga manlalaro ay mayroon lamang limitadong oras/timing upang pag-aralan ang kanilang mga moves di gaya ng mga normal tournaments. 

Masaya ang mga organizers sa success ng naturang tournament at layon ng grupo na pag-ibayuhin pa ang kanilang misyon. Kalakip din nito ng kanilang panawagan ng suporta sa community at mga brands upang makagawa pa sila ng marami pang mga kahalintulad na pagsasanay at torneyo. Ang mga nagsipagwagi sa First Blitz Tournament 2022 ay sina Ryan Mendoza – Champion, Marlon Tallayo – 2nd prize, at John Orven Tia 3rd prize!

“…ang daming GM-material na Pinoy everywhere. Kailangan lang talaga ng suporta. In our little ways, let’s give help.” – Mrs. Caroline Demirkol

Mababasa ang kanilang special blog feature dito: Filipino Chess Player League (FCPL) – Qatar Relaunches OTB Blitz Tournament

Leave a Reply

%d bloggers like this: