PINOY Lingo

LOMING BARAKO: Kwento ng Pangarap at Tagumpay

Sa miminsang pagkakataon ay magkakaroon tayo ng ilang blog post sa wikang Filipino (or minsan Tag-lish) dahil nakaka-miss din na makapagsulat ng mga articles at posts na para lang nagkukwento sa isang kaibigan… pero sa paraang hindi ka naman nagiging tunog tagapagbalita at makata.

Noong nakaraang araw ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makilala ang may-ari ng isa sa mga sikat at papalagong negosyong kainan dito sa Qatar – the owner and CEO – Mr. Loming Barako himself, Mr. Manuel Atienza (kasama ng kanilang General Manager na si Ms. Chey Tapan)

Members of local media and other Filipino influencers were present during the press conference.

Sa kasalukuyan ay nakapalano na ang pagbubukas ng kanilang 2nd branch sa Barwa Village makalipas ang halos tatlong taon mula noong buksan nila ang pinto ng kanilang unang branch sa Muntazah noong November 2019.

Isa ang LOMING BARAKO – QATAR (LOMBAR), na kilala sa pamosong mga pagkaing Batangas gaya ng LOMi at kapeng BARako (kaya LOM-BAR), na sumuong sa hamon ng pagbubukas ng negosyo sa Qatar kasama na ang mga hamon ng dalawang taong pandaigdigang pandemya (Covid19 pandemic). Ngayon nga, sa kabila ng lahat ng wari nati’y mga pagsubok ay sya nilang ginamit na inspirasyon at motibasyon para pagbubukas ng pangalawang branch.

Entrance of Loming Barako – Barwa Village branch with that very imposing signage that’s highly visible even from Al Wakrah Road
Located exactly at Barwa Village Extension – Loming Barako is the first Filipino-owned establishment in the area
Video from https://www.facebook.com/lombarqatar

Lahat ng ito ay nagsimula sa isang pangarap… sa kagustuhang maging totoo ang mga ginuguhit na plano at disenyo ng may-ari na isa ring Engineer… na unti-unting naitayo, nagkakulay at nagkabuhay. Sa kalaunan, ang mga planong ito’y yumabong pa hanggang sa ang pangarap na makapagbigay, hindi lang ng hanapbuhay, kundi pag-asa sa mga kababayan sa Batangas ay naging katuparan din.

Karamihan sa kanilang mga staff ay mga kababayan ng may-ari sa kaniyang native town na ngayon ay nandito na sa Qatar at nagtatrabaho sa Lombar Restaurant. Ilan sa kanila ay mga dating mason at karpentero, na halos walang kasanayan sa restaurant business. Kaya makikita nating ang pagtulong na ginagawa ng owner ng Lombar ay hindi lang simpleng pagbibigay ng hanapbuhay kundi pagbibigay ng pagsasanay at bagong buhay.

The design and artwork are personally crafted by the owner himself.
Coffee tables on the second floor

Sa aming munting pag-uusap ay ramdam namin ang pagnanais ng may-ari ng Lombar na maiangat ang kalagayan ng mga negosyo at negosyanteng Pilipino sa Qatar. Sa simpleng pagiging ehemplo ng maayos na pamamalakad sa sariling kumpanya, hanggang sa maayos na pakikitungo sa kapwa at komunidad, makikita ang sinseredad sa kanyang mga salita.

Likas sa mga Pilipino ang hindi pagbubuhat ng sariling bangko (humility), kaya marahil ang salitang TAGUMPAY ay kadalasang kinahihiyang tanggaping ng karamihan sa mga pinatutungkulan nito. Sabi nga minsan, we are too shy to admit success. Ngunit ang tagumpay ay di lang nasusukat sa usaping pinansyal bagkos sa maraming aspeto kasama na dito ang paghanga at respeto ng mga taong nakapaligid sa iyo, at mga pagtulong na hindi natutumbasan ng kahit anomang materyal na bagay.

Sa huli, ang kwento ng LOMING BARAKO ay pwedeng maging inspirasyon ng marami na ang simpleng pangarap ay maaring magkakatotoo. Habang ipinagmamalaki natin ang sarili nating mga produkto, habang tinutulungan natin ang ating mga kababayan (employees), at habang inaangat natin ang kalagayan ng kapwa natin Pilipino (community)… ito rin ang magdadala sa atin sa minimithing tagumpay.

How do you define success… “yung makakapagkape ka na hindi mo poprobemahin ang pambayad”, aniya. Alam natin malalim ang pakahulugan nito na magagawa mo ang mga pinakasimpleng bagay na hindi mo na aalalahanin ang mga importanteng isipin at gastusin sa buhay. Higit sa lahat, habang nakikita mo sa bawat sulok ng restaurant ang bakas ng iyong mga pinta, mga planong naging totoo, mga ngiti ng taong taos sa puso ang pasasalamat sa iyo, at higit sa lahat ay galak sa bawat customers na napapaglingkuran ninyo… ito ang sukatan ng tunay na tagumpay.

Ano pa ang maari nating ma-expect sa Lombar sa hinarap? “Hindi natin masabi ang panahon” aniya, kasabay ng pangakong patuloy nilang pagbubutihin ang pagbibigay ng kalidad na pagkain at serbisyo sa kanilang mga customers. Simpleng pangarap… ngunit ‘pag pinagbuti ay siyang magpapayabong pang lalo sa isang negosyo.

Kilala rin ang LOMBAR sa iba pa nitong mga produkto bukod sa Loming Batangas at Kapeng Barako – gaya ng kanilang LOMBAR pizza, milk tea, manok na pula, at iba pa (see complete menu here).

Matatagpuan ang kanilang unang branch sa Muntaza area na bukas 24/7 (along B-Ring Road near Al Rawdat Health Center in Jaidah Flyover), habang ang kanilang bagong branch naman ay matatagpuan sa Barwa Village (malapit sa McDonalds at Hardees, at tanaw na tanaw mula sa highway malapit sa Ras Bu Fontas Metro Station) – kung saan, sila ang kauna-unahang Filipino restaurant sa lugar na ito.

LOMBAR EXPRESS, one of their unique features open 24/7 for outdoor dining and takeaway orders

Sa kasalukuyan ay bukas ang kanilang 2nd branch mula 5am to 5pm ngunit ang kanilang Lombar Express (outdoor dining and takeaway counter) ay bukas 24/7. Isa rin sa mga bagong feature ng Lombar-wa (hehehe, ako lang ‘to) o ng kanilang 2nd branch ay ang Kap Bar para sa kanilang mga produktong kape na mula pa sa Batangas na kilala sa kapeng barako (Philippine liberica).

KAP BAR is another ingenious idea of having a cafe inside their restaurant

Sa pagtatapos, marami kaming nakakasalamuhang mga negosyante at may-ari ng iba’t ibang establishments dito sa Qatar. Sa paglilibot-libot namin bilang content creator, iba’t ibang kwento ng struggles at success ang aming nalalaman at natutunan. Ngunit isa ang consistent sa lahat ng mga kwentong ito… na kapag tama ang motivation mo sa pagsisimula ng isang bagay, magandang puso rin ang magdadala sa iyo sa iyong tagumpay.

Leave a Reply

%d bloggers like this: